Wednesday, April 28, 2010

Doraemamon (Doraemon)



Doraemon, ang bansag sa akin ng aking mga katoto nung ako'y haiskul pa lamang.. Mahilig daw kasi ako sa HOPYA (preferrably munggo:)haha. Tulad niya ako'y isang mabuting kaibigan na sasamahan ka sa lahat, sa kasiyahan, kalungkutan o maging sa kalokohan man.. Simpleng bata na akala mo'y walang magagawa ngunit maraming talent na itinatago oooppsss I'm pertaining to doraemon ONLY wala akong talent hahaha...
Masayahin, makulit, mapagbiro at maloko.. yan ako..

Ispiking of hayskul lyf.. Biglang sumagi sa aking hipotalamus ang aking mga hayskul prens...paano ko ba idedeskrayb ang mga prenship ko dati.. ahhhmmm.. meron kumag, kolokoy, kupal, balasubas, balahura at lahat ng yan ay kabaligtaran.. super bait nila at maaasahan din naman kung minsan.. Nakilala ko din sa panahong ito ang aking BESPREN (si rose).. hangang hanga ako sa kanya sa dahil kabila ng lahat ng pagsubok na pinagdaanan nya ay hindi siya natinag, hindi nya inintndi ang sinasabi sa kanya ng ibang tao, nagpatuloy sya sa kanyang pangarap hawak ang kanyang determinasyong makakamit nya ito.. at hindi nagtagal nakamit na nga nya.. Masaya ako para sa kanya ganun din sya para sa akin.. Nakilala ko din ang aking perslab sa mga panahong ito.. Magkaibigan kami pero tinalo ang isa't isa..(bogs syinota mo ko ehh..syinota mo ko!!!)hehe.. Hindi rin nagtagal ang aming relasyon sa dahilang hindi ko alam.. basta na lang.. hahahaha.. pero no hard feelings naman masaya na rin ako sa buhay ko ngayon shinare ko lang..hahahaha

Kaysarap balikan ng mga alaalang nagdulot sayo ng saya, pighati, exaytment, trouble at trauma.. haha oo tama trauma..@.@


Thursday, April 8, 2010

Astigmatism..


Astigmatism, galing sa salitang ASTIG na sumisimbolo ng aking pagatao (ang sabi nila) pero teka astig nga ba ako??? Sa palagay ko... hindi na oo in short sakto lang... hehehe... Astig ako pero hindi ako warprek (war freak) pinagtatanggol ko lang kung anong karapatan ko sa paraang alam kong TAMA... Sa totoo lang Iyakin ako kapag sobrang nasaktan ako at hindi ko kayang gantinhan ang taong nanakit sakin, emotional din kung minsan (emo??) hehe... Madalas tinatago ko ang aking TUNAY na nararamdaman, nagkukunwaring masaya pero hindi! hindi! hindi! ( hindi ako galit nagpapaliwanag laang) unprediktabol kumbaga... Tahimik at malalim ang aking pagkatao kaya madalas nahuhusgahang suplada o kaya maarte, hindi naman sa ayaw ko sa kanila, mahirap lang kasing makipagplastikan lalo na kung alam mong ayaw ng tao sayo... Prenli..fwednly.. friendli.. ah basta palakaibigan ako.. (labas ba sa ilong?? hehe) oo totoo yun sa sobrang dami kong kaibigan hindi ko na alam kung sino ang tunay at huwad, peke at plastik (tupperware na din).. Masaya ang buhay ko, di nga lang halata..hahahahahaha.. Pinipilit kong lagyan ng kulay kahit maraming humaharang, wapakelz na lang.. Simpleng tao na mahilig mangarap pero sinasamahan naman ng gawa at dasal para matupad ang mga iyon.. Minsan nananaginip ng gising at naglalakad habang tulog (may sapi???) haha.. Ayoko sa mga taong walang ibang ginawa kundi mangialam sa buhay ng may buhay at kung hindi pa makuntento eh sisiraan ka pa.. hay buhay.. buti na lang hindi ako ganun.. Positibo ang pananaw ko sa buhay.. Hindi man ako yung tipo ng tao na relihiyoso ngunit malakas ang pananampalataya ko sa Kanya.. Ipinauubaya ko ang buhay ko sa Kanya dahil alam kong Sya lang ang nakakaalam kung anong nakabubuti para sa akin at naniniwala ako na ang lahat ng bagay ay nangyayari dahil may dahilan Sya..

Kung hindi ka masaya sa buhay mo.. wag mong isisi sa ibang tao dahil ikaw ang may hawak nyan.. nasa sa iyo kung paano mo pagugulungin ang palad mo.. teka, pano nga ba? kahit ako di ko kaya.. try mo nga.. hahaha ^_^