Sunday, May 16, 2010

Payb Porti Eyt (5:48)


Payb Porti Eyt na! Uwian na! 'Di ko alam kung matutuwa o maiinis ako dahil sa tuwing sumasapit ang oras na ito, 'di ko maiwasang mangamba kung may masasakyan ba akong dyip patungong terminal ng Alabang at higit sa lahat kung papano ako TATAWID sa pagkahaba-habang tawiran na wala namang PEDESTRIAL LANE! Waaahhh DYUSKUPU imagine daig pa nito ang expressway sa sobrang lawak at kailangan mong magdahan-dahan dahil sa mga rumaragasang sasakyan.. Kailangang pagbigayan ang mga maangas na drayber ng mga magagarang sasakayn dahil mistulang hari ng kalsada kung humarurot ang mga ito.. Impeyrnes (infairness), masaya namang tumawid lalo na kung may kasama ka, para lang kayong nakikipagpatintero..haha.. Siguro bago kami lumipat sa aming bagong building ay kokonti na lang ang mga empleyado.. Kaya kaming mga taga FAI bawal ang AGNAT.. Lumingon muna kaliwa-kanan bago tumawid kun'di PATAY KANG BATA KA! Kaya ayokong mag obertaym dapat saktong Payb Porti Eyt ang out para may kasabay TUMAWID.. lol ^_^

Friday, May 14, 2010

Pork Chop



Por (4) years ago... Kasalukuyan pa akong nagtatarabaho sa restawrant na ito : Tokyo-Tokyo (kainan ng mga pataygutom sa kanin ;) Break time ko nun.. May nakasabay akong dalawang ka-crew ko.. Dahil nga bago pa lamang sila ay nahihiya pa, kaya ako na ang unang namansin.. Nakita ko ang baon ng isa (wow PORKCHOP!) at ang isa di ko na maalala.. Dahil di pa kami masyadong close, ako'y bumubwelo para makahingi ng porkchop.. Nakipagwentuhan at tawanan ako sa kanila, nang sa tingin ko ay palagay na ang loob nila ay saka na ko humingi. Kwentuhan at tawanan ulit hanggang sa napansin kong ubos na ang porkchop. 'Di ko namalayan na halos ako lang pala ang nakaubos nito.. Bilang mga DYENTELMEN (gentlemen) hindi na sila nagreklamo, datapwa't tuwangtuwa pa sila (siguro nun lang sila nakakita ng babaeng malakas lumamon).. Simula noon, naging magkaibigan na kami ng may ari ng porkchop na 'yon.. Di pa ko nakuntento at nagpalibre pa ako ng hotdog sandwich sa ISTARMHART (starmart isang convinient store), ginawa ko yun para tuluyan kaming maging close at mawala ang hiya ko sa kanya (kase crush ko sya) hahaha..Maya maya ay kinuha ng kanyang kaibigan ang aking numero (fown namber).. Hindi ko alam kung bakit pero syempre binigay ko naman.. Pagkaraan ng ilang araw, nagtext si porkchop este itago na lang natin sya sa pangalang JHEP.. di ko alam kung pano nya nalaman number ko pero malamang kinuha nya iyon sa kaibigan nya ( baka sya ang nagpakuha) haha..

Ngunit isang araw sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan ko ng magpaalam.. Isang linggo ko lamang nakasama si porkchop.. Ako'y nagulat dahil may natanggap akong mensahe mula sa kanya sinasabi nya na wag na daw akong malungkot.. Siya nag nagpalakas ng loob ko noong mga panahong iyon.. Lalo ko syang nagustuhan at simula non ay madalas na kaming magkatext at magkausap sa fone at hindi nagtagal ay naging kami na..

Hanggang ngayon kami pa din.. Haha.. madaming pagsubok ang dumaan pero di kami sumuko..
Magaapat na taon na kaming naglolokohan este nagmamahalan.. haha..

Masaya, malungkot, boring at exayting.. yan ang labstori namin.. At ang lahat ay nagsimula sa kapirasong PORKCHOP (^.-)


Wednesday, May 5, 2010

Dora (ang batang gala)


Tulad ni Dora ako ay isang batang gala.. mahilig sa adbentyur.. kung sansan napapadpad..pero naiinggit ako kay Dora kase buti pa sya pinapayagang maglakwatsa ako hindi =( .. pero syempre gamit ang aking peyborit kowts na "if ders a wheel (will), ders a wey" nagagawa kong gumala kahit walang paalam.. pasawai?? ... haha..

Minsan, sa aking paggagala kasama ang tatlo ko pang kaibigang sina Dianne, Tina at Ling may napansin kaming nakapost sa labas ng isang restawrant "HIRING" ang nakasulat dito.. napaisip kami.. ay! di na pala kami nagisip dalidali kaming gumawa ng resyumey at nagpapiktyur ng wan by wan pagkatapos ay ipinasa ito sa restawrant na iyon.. makalipas ang ilang araw ay tinawagan nila kami pra sa isang interbyu at laking tuwa namin dahil kaming apat ay sabaysabay na natanggap.. Eksaktong summer nun at tapos na ang aming term para sa unang taon namin sa kolehiyo ay nagumpisa kami sa aming unang trabaho.. PERSTAYM ko iyon.. kinakabhan ako sa una pero nung nasanay na ay ang sarap pala.. (teka bastos ng iniisip nyo ah..) kinakabhan dahil baka ako'y magkamali at masarap dahil may sweldo.. kayo ha.. ang aking unang sweldo ay hinati hati ko.. 20% sa aking ina 20% sa aking ama at 60% pinanggala at pinangkain ko lang..haha.. Hindi rin ako nagtagal trabaho kong iyon sa dahilang.. sa akin na lang.. (uusyoso ka pa ha) hahaha..basta alam ni Lord wala akong ginawang masama..PWAMIS.. Baka kaya nangyari yun kasi may dahilan..MAS MAGANDANG DAHILAN :) napamahal rin sakin ang trabaho kong 'yon dahil doon ko nakilala ang aking TRULAB..=)


Wednesday, April 28, 2010

Doraemamon (Doraemon)



Doraemon, ang bansag sa akin ng aking mga katoto nung ako'y haiskul pa lamang.. Mahilig daw kasi ako sa HOPYA (preferrably munggo:)haha. Tulad niya ako'y isang mabuting kaibigan na sasamahan ka sa lahat, sa kasiyahan, kalungkutan o maging sa kalokohan man.. Simpleng bata na akala mo'y walang magagawa ngunit maraming talent na itinatago oooppsss I'm pertaining to doraemon ONLY wala akong talent hahaha...
Masayahin, makulit, mapagbiro at maloko.. yan ako..

Ispiking of hayskul lyf.. Biglang sumagi sa aking hipotalamus ang aking mga hayskul prens...paano ko ba idedeskrayb ang mga prenship ko dati.. ahhhmmm.. meron kumag, kolokoy, kupal, balasubas, balahura at lahat ng yan ay kabaligtaran.. super bait nila at maaasahan din naman kung minsan.. Nakilala ko din sa panahong ito ang aking BESPREN (si rose).. hangang hanga ako sa kanya sa dahil kabila ng lahat ng pagsubok na pinagdaanan nya ay hindi siya natinag, hindi nya inintndi ang sinasabi sa kanya ng ibang tao, nagpatuloy sya sa kanyang pangarap hawak ang kanyang determinasyong makakamit nya ito.. at hindi nagtagal nakamit na nga nya.. Masaya ako para sa kanya ganun din sya para sa akin.. Nakilala ko din ang aking perslab sa mga panahong ito.. Magkaibigan kami pero tinalo ang isa't isa..(bogs syinota mo ko ehh..syinota mo ko!!!)hehe.. Hindi rin nagtagal ang aming relasyon sa dahilang hindi ko alam.. basta na lang.. hahahaha.. pero no hard feelings naman masaya na rin ako sa buhay ko ngayon shinare ko lang..hahahaha

Kaysarap balikan ng mga alaalang nagdulot sayo ng saya, pighati, exaytment, trouble at trauma.. haha oo tama trauma..@.@


Thursday, April 8, 2010

Astigmatism..


Astigmatism, galing sa salitang ASTIG na sumisimbolo ng aking pagatao (ang sabi nila) pero teka astig nga ba ako??? Sa palagay ko... hindi na oo in short sakto lang... hehehe... Astig ako pero hindi ako warprek (war freak) pinagtatanggol ko lang kung anong karapatan ko sa paraang alam kong TAMA... Sa totoo lang Iyakin ako kapag sobrang nasaktan ako at hindi ko kayang gantinhan ang taong nanakit sakin, emotional din kung minsan (emo??) hehe... Madalas tinatago ko ang aking TUNAY na nararamdaman, nagkukunwaring masaya pero hindi! hindi! hindi! ( hindi ako galit nagpapaliwanag laang) unprediktabol kumbaga... Tahimik at malalim ang aking pagkatao kaya madalas nahuhusgahang suplada o kaya maarte, hindi naman sa ayaw ko sa kanila, mahirap lang kasing makipagplastikan lalo na kung alam mong ayaw ng tao sayo... Prenli..fwednly.. friendli.. ah basta palakaibigan ako.. (labas ba sa ilong?? hehe) oo totoo yun sa sobrang dami kong kaibigan hindi ko na alam kung sino ang tunay at huwad, peke at plastik (tupperware na din).. Masaya ang buhay ko, di nga lang halata..hahahahahaha.. Pinipilit kong lagyan ng kulay kahit maraming humaharang, wapakelz na lang.. Simpleng tao na mahilig mangarap pero sinasamahan naman ng gawa at dasal para matupad ang mga iyon.. Minsan nananaginip ng gising at naglalakad habang tulog (may sapi???) haha.. Ayoko sa mga taong walang ibang ginawa kundi mangialam sa buhay ng may buhay at kung hindi pa makuntento eh sisiraan ka pa.. hay buhay.. buti na lang hindi ako ganun.. Positibo ang pananaw ko sa buhay.. Hindi man ako yung tipo ng tao na relihiyoso ngunit malakas ang pananampalataya ko sa Kanya.. Ipinauubaya ko ang buhay ko sa Kanya dahil alam kong Sya lang ang nakakaalam kung anong nakabubuti para sa akin at naniniwala ako na ang lahat ng bagay ay nangyayari dahil may dahilan Sya..

Kung hindi ka masaya sa buhay mo.. wag mong isisi sa ibang tao dahil ikaw ang may hawak nyan.. nasa sa iyo kung paano mo pagugulungin ang palad mo.. teka, pano nga ba? kahit ako di ko kaya.. try mo nga.. hahaha ^_^