
Por (4) years ago... Kasalukuyan pa akong nagtatarabaho sa restawrant na ito : Tokyo-Tokyo (kainan ng mga pataygutom sa kanin ;) Break time ko nun.. May nakasabay akong dalawang ka-crew ko.. Dahil nga bago pa lamang sila ay nahihiya pa, kaya ako na ang unang namansin.. Nakita ko ang baon ng isa (wow PORKCHOP!) at ang isa di ko na maalala.. Dahil di pa kami masyadong close, ako'y bumubwelo para makahingi ng porkchop.. Nakipagwentuhan at tawanan ako sa kanila, nang sa tingin ko ay palagay na ang loob nila ay saka na ko humingi. Kwentuhan at tawanan ulit hanggang sa napansin kong ubos na ang porkchop. 'Di ko namalayan na halos ako lang pala ang nakaubos nito.. Bilang mga DYENTELMEN (gentlemen) hindi na sila nagreklamo, datapwa't tuwangtuwa pa sila (siguro nun lang sila nakakita ng babaeng malakas lumamon).. Simula noon, naging magkaibigan na kami ng may ari ng porkchop na 'yon.. Di pa ko nakuntento at nagpalibre pa ako ng hotdog sandwich sa ISTARMHART (starmart isang convinient store), ginawa ko yun para tuluyan kaming maging close at mawala ang hiya ko sa kanya (kase crush ko sya) hahaha..Maya maya ay kinuha ng kanyang kaibigan ang aking numero (fown namber).. Hindi ko alam kung bakit pero syempre binigay ko naman.. Pagkaraan ng ilang araw, nagtext si porkchop este itago na lang natin sya sa pangalang JHEP.. di ko alam kung pano nya nalaman number ko pero malamang kinuha nya iyon sa kaibigan nya ( baka sya ang nagpakuha) haha..
Ngunit isang araw sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan ko ng magpaalam.. Isang linggo ko lamang nakasama si porkchop.. Ako'y nagulat dahil may natanggap akong mensahe mula sa kanya sinasabi nya na wag na daw akong malungkot.. Siya nag nagpalakas ng loob ko noong mga panahong iyon.. Lalo ko syang nagustuhan at simula non ay madalas na kaming magkatext at magkausap sa fone at hindi nagtagal ay naging kami na..
Hanggang ngayon kami pa din.. Haha.. madaming pagsubok ang dumaan pero di kami sumuko..
Magaapat na taon na kaming naglolokohan este nagmamahalan.. haha..
Masaya, malungkot, boring at exayting.. yan ang labstori namin.. At ang lahat ay nagsimula sa kapirasong PORKCHOP (^.-)
No comments:
Post a Comment