
Tulad ni Dora ako ay isang batang gala.. mahilig sa adbentyur.. kung sansan napapadpad..pero naiinggit ako kay Dora kase buti pa sya pinapayagang maglakwatsa ako hindi =( .. pero syempre gamit ang aking peyborit kowts na "if ders a wheel (will), ders a wey" nagagawa kong gumala kahit walang paalam.. pasawai?? ... haha..
Minsan, sa aking paggagala kasama ang tatlo ko pang kaibigang sina Dianne, Tina at Ling may napansin kaming nakapost sa labas ng isang restawrant "HIRING" ang nakasulat dito.. napaisip kami.. ay! di na pala kami nagisip dalidali kaming gumawa ng resyumey at nagpapiktyur ng wan by wan pagkatapos ay ipinasa ito sa restawrant na iyon.. makalipas ang ilang araw ay tinawagan nila kami pra sa isang interbyu at laking tuwa namin dahil kaming apat ay sabaysabay na natanggap.. Eksaktong summer nun at tapos na ang aming term para sa unang taon namin sa kolehiyo ay nagumpisa kami sa aming unang trabaho.. PERSTAYM ko iyon.. kinakabhan ako sa una pero nung nasanay na ay ang sarap pala.. (teka bastos ng iniisip nyo ah..) kinakabhan dahil baka ako'y magkamali at masarap dahil may sweldo.. kayo ha.. ang aking unang sweldo ay hinati hati ko.. 20% sa aking ina 20% sa aking ama at 60% pinanggala at pinangkain ko lang..haha.. Hindi rin ako nagtagal trabaho kong iyon sa dahilang.. sa akin na lang.. (uusyoso ka pa ha) hahaha..basta alam ni Lord wala akong ginawang masama..PWAMIS.. Baka kaya nangyari yun kasi may dahilan..MAS MAGANDANG DAHILAN :) napamahal rin sakin ang trabaho kong 'yon dahil doon ko nakilala ang aking TRULAB..=)
No comments:
Post a Comment